Thursday, March 17, 2011

[off topic] The 1st Move: the LETTER of introduction...


Graduation is fast approaching...  12 days na lang sa month of MARCH, pero 6 or 7 days na lang ang may PASOK..

ang bilis ng panahon noh, tapos ngayon, mejo nakokonsensya na kami sa nagawa namin..
MARIAN DEVOTEE BATCH 2009-2010,,, MarDee for short.. :)) under the supervision of Mrs. Virginia Ignacio,,, Mami V. for short.. :P


1st year,, mejo wala pa talaga kaming pake kay Mrs. Reyes :)) 2nd year, minahal namin ng lubusan si Ms. Daisy, 3rd year, hindi namin na-feel si Mrs. Ignacio, 4th year, kabonding namin si Ms. Fakat..

pero sa apat na advisers na ean, isa lang talaga ang hindi namin masyadong nabigyan ng pagpapahalaga..
ean ay si Mami V.

super pasawai kami sa kanya, halos wala kaming nararamdamang pagmamahal para sa kanya, naiinis pa nga kami kapag anjan siya, lalo na nung 1 week siyang umabsent, tuwang tuwa pa ang mga inakay.. pero nung pumasok na siya, himbis na matuwa siya dahil nakita na nea ang mga anak nea.. lalo pa siyang nagdamdam samin, dahil hindi man lang niya naramdaman na na-miss namin siya.. ansama namin noh..??? teachers' day, wala kaming preparations, kung meron man, mukhang napipilitan pa.. haaiisstt..

pero habang nalalapit na ang aming pagtatapos, tsaka namin nararamdaman ang pagmamahal samin ni Mami V. Sa tuwing nagkakasalubong kami, lagi nyang sinasabing, goodluck, congrats, ingat kayo lagi, keep in touch..

Lalo na nang makita at mabasa ko sa BULLETIN BOARD ng mentors' society yung message nea para samin.. dun pa lang, naramdaman ko na, naalala ko last year na rin pala ni mami this year, at kahit bumalik man kami ng Siena, hindi na rin namin siya makikita..


(to be continued..)