Thursday, March 17, 2011

[off topic] The 1st Move: the LETTER of introduction... part 2

OO, bihira na talaga namin makikita si Mami V..

nakakaiyak isipin pero bumabalik yung alaala nung 3rd year pa lang kami,, lahat ng nagawa namin kay Ms. na nakasakit sa feelings nea.. gusto naming humingi ng tawad, dahil ito na rin ang marahil, huling pagkakataon para mapadama namin sa kanya na mahal namin siya bilang pangalawang ina nung 3rd year kami..

Pinicturan ko yung nasa bulletin board, then in-upload ko sa facebook,, ni-tag ko yung buong MarDees.. tapos iisa lang halos ang mensahe ng mga comments namin:

*nakakatouch
*oh, anong plano natin?
*tara guys! magsorry na tayo.
*president! mag-isip ka na ng surprise
*naiiyak ako

ean yung mga karaniwang nababanggit.. lahat kami, iisa ang nararamdaman, nagkakaisa ulit kami para kay Mami V. so wednesday, march 16, 2011,, naisipan kong gumawa ng letter, introduction yun para sa magiging sorpresa namin para sa kanya... pero hindi alam ni Ms, na may kasunod pa yung sulat na un.. :)))

After ng thanksgiving mass,, hinabol ko agad si mami V. para maibigay ko yung letter, tinakpan ko yung kalahati ng face ko with the letter tapos nakaharap kay mami yung "heart".. dun palang nagulat na siya, then binigay ko sa kanya yun with teary eyes.. sabi nea wag ko daw siya paiyakin, pero umiyak pa rin siya,, nakipag-usap ako sa kanya habang umiiyak!!! :)) tapos nakikita ko na rin yung mga luha ni Mami sa mga mata nea.. nakwento ko rin yung about sa bulletin board, and nagulat siya dahil napansin pala namin yun, and binigyan ng halaga.. tumulo na rin yung luha ni mami, kahit na may ibang nakakakita, talagang parehas na kaming umiiyak.. pero MAMI V., hindi pa jan nagtatapos :)) simula pa lang ean ng pakulo ng iyong pinakamamahal na MARDEES.. :))) Marian Devotee '09-'10 :)))